Thursday, April 05, 2007

dear you,

it's been a long time since we last talked, since we last went out. i miss the old days. i miss us. i miss you.

alam ko hindi nangyari ung gusto nating mangyari. or gusto ko mangyari. kasi di ko naman sigurado kung talagang ginusto mo na makasama ako habang buhay.

alam mo ba ana malaki ang pagsisisi ko sa maraming bagay. maraming bagay. alam ko marami akong pagkakamali at pagkukulang sayo. naalala mo ung sinabi ko tutulungan kitang gawing madali at masaya ung buhay mo? hindi ko natupad un. pasensya ka na. pasensya ka na sa mga panahong hindi kita hinahayaang gawin ung mga bagay na gusto mong gawin. pasensya ka na kung pinipigilan kita sa maraming bagay. pasensya ka na kung hindi kita hinayaang magenjoy at magpakasaya.

hindi un ang intensyon ko. na hindi iparamdam sayo ung kaligayahan na maibibigay ng iba. ang gusto ko lang..ingatan ka.. na wag ka mawala saken.. ingatan ka.. na wag ka mapahamak.. na nawala sa isip ko na malaki ka na.. may sarili ka ng isip.. kaya mo na tumayo kahit wala ako..

at sa lahat pa ng mga pagkakamali ko sayo.. sna mapatawad mo ko at sana maintindihan mo bakit ko nagawa un.

alam ko na kung gugustuhin mo man na magkaroon ka ng girlfriend, alam ko na hindi na ako ang pipiliin mo.

pero ang hinihingi ko lang sayo, chance. chance na maparamdam ko sayo kung gano kita kamahal. chance na maparamdam sayo na kaya ko magbago. chance lang para mapasaya kita.

pero alam ko na kahit anong gawin kong pagmamakaawa... hindi mo na ibibigay saken ung chance na un..

mahal kita.. mahal na mahal..

love,
me

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home