Sunday, April 08, 2007

simpleng holy week lang naman ung kinakaexcite ko. magluluto kami ni pating. manonood ng dvd. magkukwentuhan.

hindi ko naman inakala na ung taong pinakaiintay ko na dumating para maging maligaya kami.. makikita ko ung araw na yun.

walang pasabi dumating si bok.

nag-iba bigla ung takbo ng mundo.

biglang naging magulo sa bahay. naging maingay. naging makalat. pero lahat sa magandang paraan.

may kuya bok na ulet ako. may kasama na ulet kami gumala. may mamumuno na naman ulet ng kalokohan.

nagmature na daw sya. pansin ko nga. di na sia namamahid ng sipon samen.

gusto ko pakinggan ung mga kwento nia. andami niang baon na kwento.

sana lang matumbasan namen ung kasayahan na pinadama nia smen ngaun.

kagabi, ansarap nilang picture-an. ansarap nameng picture-an. nabuo ulet kami. kumpleto na sana. si kuya jp na lang. masaya ako kasi alam ko masaya ung tita ko. kasi masaya din ung best friend na pinsan ko.

may kuya bok na ulet ako. may makikinig. may magpapayo. may masusumbungan. may matatakbuhan.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home