Monday, June 04, 2007

pede ba ako maglabas ng bigat ng loob dito?

ok na ko. wala ng inaasahan. wala ng disappointment. wala ng expectations. tapos nagparamdam ka na naman. tapos lahat ng inipon ko na lakas unti unti na namang nawala. nakakaasar kasi bakit ba ako nagpapaapekto sayo. bakit pa ko nagiisip ng tungkol sayo. bakit kasi hindi na lang ako maging numb sa lahat lahat. nakakainis ka talaga. hinila mo na naman ako pabalik. panu na ngaun. hindi ka na naman nagpaparamdam. lugmok na naman ako. tae ka. nagparamdam ka lang nung nawala ung babae mo. anu ngayon? may babae ka na naman kaya ka ganyan. tae ka talaga.

at ikaw naman. i love you i love you ka jan tapos dudugtungan mo ng friend. isa ka din e. paasa ka. pasalamat ka hindi ako kumagat. alam mo ba na mahirap magpigil ng nararamdan ha?? gusto ko na ikaw sigawan! malamang hindi ko gagawin un kasi gusto ko sabihin sayo na kung anu naiisip at nararamdaman ko pero hindi naman pede din un! bakit kasi ulit hindi ako pede maging numb? at bakit kung kelan ok na ko na akala ko pede ka na e may biglang magpaparamdam at maglalaho na naman. para san? para mapagisip ako kung tama ba nararamdaman ko?

arrrgh.

at ikaw pede bang magplace ka muna bago ka mangpressure na kelangan ko ng madaming endorsements! mahiya ka nga kasi dadalawa pa lang hires mo e end of 2nd quarter na! tsss. wala kang karapatang manghingi ng productivity ko dahil ikaw mismo hindi productive!!!!

gusto ko sumigaw ng malakas!!!

ano ba! asan na ung txt mo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ano ba!!! bakit ba ganyan ka at pafriend friend ka pa!!!!

aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaarrrrrrrrrrrrrrrrrgggggggggghhhhhhhhhh!!!

gusto ko tumalon baka sakaling mabagok ang ulo ko at maapektuhan ung naka-assign sa feelings ko!

gusto ko magpakalayo at bigla na lang maglaho.

this is not fun anymore.

:(

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home