Wednesday, October 25, 2006

bakit kelangang sabihing busog kung gutom?
bakit kelangang sabihing gutom kung busog?

bakit kelangang sabihing panget kung pogi?
bakit kelangang sabihing pogi kung panget?

bakit kelangang sabihing ok kung hindi?
bakit kelangang sabihing hindi kung ok?

bakit kelangang sabihing hasel kung steady?
bakit kelangang sabihing steady kung hasel?

bakit kelangang sabihing mahirap kung madali?
bakit kelangang sabihing madali kung mahirap?

bakit kelangang sabihing mainit kung malamig?
bakit kelangang sabihing malamig kung mainit?

bakit kelangang sabihing mahirap kung madali?
bakit kelangang sabihing madali kung mahirap?

bakit kelangang sabihing magulo kung maayos?
bakit kelangang sabihing maayos kung magulo?

bakit kelangang sabihing mahirap intindihin kung naiintindihan?
bakit kelangang sabihing naiintindihan kung mahirap intindihin?

bakit kelangang sabihing malungkot kung masaya?
bakit kelangang sabihing masaya kung malungkot?

bakit ka ganyan?
e ako.. bakit ako ganito..?

Tuesday, October 24, 2006

rude people?


i hate you.


hate? sige na nga. i don't like that attitude na lang.

[.......]

nanood ako ng world trade center.

twice.

una, kasama ko si iman. pangalawa, kasama ko family ko. nainggit kasi si mama samen ni iman kaya gusto din nia panoorin.

naiyak naman ako. para saken lang ha. maganda ung istorya.

at ciempre andun si nicholas cage. hmmm.

habang pinapanood ko ung movie..it makes me want to hate someone or something. kaso nga lang di ko alam kung sino. at kung ano o alin.

you kept me alive...

Friday, October 20, 2006





i sooooooooooooo love chris martin..


tsss..

Monday, October 16, 2006

nadengue ung kapatid ni iman. malala. natakot nga ako sobra

andami nilang problema bigla.

isang araw ayus sila, sumunod, nagkagulo na.

pero ang maganda dito, magaling na ung kapatid nia.

laking pasasalamat nga namin kay God.

problema na lang. pera. kaya. kamusta naman.

wala e. wala ako pede matuulong sa aspeto na yan. kundi, suporta na lang.

naiinlove nga ako lalo kay iman. nakita ko sya inaayos nia buhok ng mama nia kasi pagod na. hinahaplos nia sa likod. ung mahal ko, nakakainlove. =) *kilig*

salamat pala sa mga nagdasal para kay abi.

[........]

may team building kami nung sabado sa meralco.

eto lang yun. physical activities sya.

tumawid ako sa lubid ng nakablind fold at tumalon mula sa 20ft high na lubid..

rapelling na may taas na 40ft..

at yung leap of faith. ung parang nakasabit ka sa cable tapos maglelet go tapos pupunta ka sa kabilang dulo na nakasabit ka lang sa cable. 40 ft din ang taas.

tae. naenjoy ko sya. akalain mo na magagawa ko pala ung ganun. e sabi ko nga e. kung sa totoong buhay e wala akong guts na itry yun. dun kasi, required kaya dapat ko gawin. akalain mo nagawa ko pala sya.

Tuesday, October 10, 2006

i was with a friend. wait.. kelan nga ba yun? di ko alam. basta alam ko naka-skirt ako nun.

e kinakabahan ako kasi alam ko tumaba ako. tapos alam ko pa na pag nakita ko na sya, mapapangiti ako ng sonra. ung sonra sobrang ngiti. kasi last ko sya nakita bago pa kamigrumadweyt.

nakita ko sya sa national. putek. tama nga. napangiti na naman ako ng sobra sobra. kasi naman e.

naalala ko nga ung usapan namen sa library. sa lobby un e. tapos napagusapan namin na sayng ang oras na pinalagpas namen. nun lang kami naging magkaibigan kung kelan isang taon na lang ung matitira.

kumain kami sa tokyo tokyo. sige na libre ko na.

sabi nia saken parang wala syang makwento saken sa personal. pero kasi naguusap aman kami sa ym at sa fone. kaya naman nung magkaharap na kami, wala na kaming mapagusapan.

pero sa totoo lang... naging masaya ako nung araw na un. kahit isang oras lang yun.

bakit nga ba?

[.......]

nga pala.. ikaw. aam mo ba na may nagmamahal sayo ng sobra sobra? na may nasasaktan sa mga ginagawa mo? na may naguguluhan sa mga nangyayari? naiisip mo ba yun? e alam mo ba na ikaw lang lagi ang nasa isip nia? e eto.. alam mo ba na may gusto syang mangyari na kaya nia ginusto yun e para sayo?

hirap ng ganyan. akala ko minsan, normal langang buhay ko. yun pala may nagagalit na saken na di ko alam ang dahilan kung bakit. may nasasaktan ako na di ko sinasadya.

sandali pala.. hindi mo ba talaga nararamdamann o ayaw mo lang ipakita na naaapektuhan ka?

[.......]

ooooooooopppsss... minimean ko na ipost talaga to... *wink*

Sunday, October 08, 2006

dalawang taon na ung nakalipas.. tapos kagabi na lang ulet.

buti na lang ung pinsan ko anjan. buti na lang nagpunta sya. buti na lang si mama pinagluto ako ng spaghetti. at least naramdaman ko na birthday ko pala. buti na lang sumakay kami sa fun house. akalain mo, nakakatakot pa rin pala yun. buti na lang naramadaman ko espesyal pa rin pala..

salamat pala sa mga may effort. natouch ako. promise.

pero ung isang tao na nagpapasaya saken, sna hindi sya ung dahilan bakit ako nagsisinungaling dito sa trabaho na kaya ganito ang mata ko e dahil wala akong tulog.

gusto ko lang naman maging importante. na sana pumasok din ako sa isip mo dahil ikaw lagi kita iniisip. gusto ko lang naman maramdaman yung halaga ko.

gusto mo maging robot. maging mayaman. para saken. hindi yun ang gusto ko.

gusto maging si iman ka lang.. na may pagpapahalaga..

[.........]

richard bryan. maraming maraming salamat.

Thursday, October 05, 2006

ayoko na ikwento kasi paulit ulit ko na nakwento. basta knausap kami ng supervisor. kasi nabasa nia ung pianguusapan namen. e tungkol sa kanya un. kupal kasi sya. ako kasi may pakana nung usapan na un e. may kasama pa nga akong smiley na nagsusuka e.

ayun nga lang nahuli kami. boljakan time! =)

[......]

alam mo yung pakiramdam na ganito:

>> ung isang tao, naging importante sayo. di mo alam kung bakit. pero alam mo na he's something?

>> na sobrang ok mga usapan nio..

>> magiging masaya kayo sa kanya kanyang buhay..

>> matagal na hindi maguusap..

>> makakalimutan ung mga bagay na pinagdaanan nio..

>> akala mo, isa na lang sya sa mga taong dumaan at umalis sa buhay mo..


eto tungkol saken na to..

ayun pala, hindi. sabagay, marami rin naman kasing dapat gawin at mas pagtuunan ng pansin. yun nga lang, masyadong masaya pag nagusap na ulit kami. kahit matagal nagpahinga, ganun pa din ang pakiramdam na pinaparamdam nia saken..

ayun nga lang... hindi nia alam kung ano talaga ang naramdaman ko dati.

[......]

Tuesday, October 03, 2006

dapat masaya na ako kahapon. pero ganun ata talaga.. a day won't pass by without you feeling sad. and angry.

i hate disapponting people. lalo na ung mga taong sobrang mahal ko at ayokong masaktan na ako ang dahilan. pero kahit anu gawin ko kahapon, hindi tlga pede e. kahit alam ko na andami ko na tinanggihan na lakad, wala pa rin ako magawa. kasi kung ako tatanungin.. gusto ko.. ikaw pa.. gustong gusto kita makasama diba? hindi lang talaga pede.. hindi na kasi katulad ng dati. sana pede pa din ung dati. pero alam ko na maiintindihan din ung sitwasyon.. mababago din.. kasi sa mga susuno na buwan.. magiging pareho na tayo..

[........]


naglakad ako kahapon ng malayo. ayus lang. syempre kinwento ko kay iman. lahat ng mali maling pangyayari kagabi at ung dahilan bakit ako naglakad. siguro walang masama sa ganun. bakit galit na galit ang tatay ko? di nia matanggap sa sarili nia na madalas minsan nagkakamali sya. pero di naman siguro kelangan ibunton saken yung pagkakamali nia. sinusubukan daw namen sya. dahil lang sa nagkukwento ako ng mga bagay bagay kay iman. andami na din nia sinabi saken na nakakagalit pero kelangang palagpasin. sabi din naman kasi ni mama, kahit ano pa ung rason ng kinakagalit ko sa kanya, hindi sapat na rason yun para di ko sya kausapin ng ilang bwan. nagtataka lang ako.. bakit hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi nia? bakit nagagalit ako?

[........]

Monday, October 02, 2006

electricity: none
work: loads

gutom na ko. tagal nung pagkain e. kamusta naman. nagchampion ang uste. akalain mo. after ten years. masaya nga e. naiiyak nga ako e. akalain mo yan. isipin mo pa ito. may issue na binayaran daw ng uste ung isang player ng e para makapasok sila sa finals. ngayon na sila ang nagchampion anu naman kaya ang palusot ng mga ayaw maniwala? binayaran ng uste ang ateneo? nyahaha! asa! kamusta naman un db? i don't have anything against ateneo. okay. meron something pero maliit lang. i am against discriminitation at.... ala lang.

wala pa rin ung pagkain. gusto ko na magbakasyon. ayun lang sana pede. hay naman. gusto ko pumuna ng uste. kasi promise talaga namimiss ko na ung buhay ko dati. e dati pabili lang ako ng pabili. haha. koneksyon sa uste? wala lang. kasi ngayon hindi ko maibili ung sarili ko ng toothbrush. kasi nanghihinayang ako sa ipambibili ko. haha. siguro pag sumweldo na lang ulet.

Sunday, October 01, 2006

una muna. what's with the url? e sobrang wala akong maisip. pag english, hindi available. tagalog na lang.

anu pa ba? ayun. kamusta naman ang apat na raw na walang kuryente? walang battery ang cellphone. walang ref. ibig sabihin, walang malamig na tubig at kelangan iluto lahat ng ulam sa ref. ung tipong tatagal at hindi mapapanis. kaya kamusta naman. paat na araw sa iisang klase lang ng ulam ang kinakain ko.

kaninang umaga. sumakay ako ng jeep na may iniinom na chuckie. may nagpara na mahina ang boses. ung katabi ko nagalit. sumigaw ng mama para. biglang banat na "para kasing walang boses". pati ung isang lalaki. ganun din. sumigaw na naman sya. inulit na naman niya banat nya.

may sumakay. tumabi saken. inapakan ung paa ko. sana hindi ako nakasandals. kamusta naman.

at ang uste. kinakareer ang basketball sa uaap. sana talaga manalo mamaya. at sana paguwi ko makapanood ako.

sana nga pala tangkilikin nio ito katulad ng pagtangkilik nio sa thewayitsgonnabe..